1 San Mateo ang bayan na ipinagmamalaki ko

       Ano ba ang produkto ng inyong bayan? Ako ay nakatira sa San Mateo 1 ang aming mga produkto ay mga kakanin tulad ng puto, suman, at biko. Ang mga ito ay ang mga karaniwang kakanin sa aming bayan.

      Ano ba ang kakanin? Ang kakanin ay isang malagkit na panghimagas o Dessert ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa ibat-ibang uri ng kanin na hinahaluan ng iba pang sangkap depende sa iyong lulutuin

     Tuwing ika- 9 ng Septiyembre ang aming bayan ay nagdiriwang ng Kakanin Festival. Ito ay pagdiriwang kung saan ipinagmamalaki ng aming bayan ang aming masasarap na mga kakanin. Kabilang nito ay ang Bibingka, Puto, Carioca, Biko, Suman , Kutsinta, Pitsi-pitsi, Puto bumbong at marami pang iba.
Image result for mga kakaninImage result for bibingkaImage result for pichi pichi
Image result for sumanImage result for puto bumbongImage result for puto
Image result for cariocaImage result for Biko

Image result for biko         Mahilig ka ba sa kakanin? Oo naman tuwing may Fiesta sa aming bayan hinding hindi mawawala ang kakanin sa aming lamesa ito ang karaniwang kinakain ng aming pamilya. Ano ang paborito mong kakanin? Ang paborito kong kakanin ay Biko ito ay may konting lasa ng tsokolate dahil hinahaluan ito ng cocoa. Bakit Biko ang paborito mong kakanin? Dahil tuwing may nagdiriwang ng kaarawan sa amin ang tita ko ay laging nagluluto ng Biko at ako ang unang titikim nito, minsan tinutulungan ko syang magluto kaya medyo alam ko ang mga kasangkapan na kailangang gamitin.

Related image

      Ang kakanin ay sobrang sarap na halos di ka makatanggi na wag kainin to. Isa ang kakanin sa dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang aming bayan at ako ay masaya at ipinagmamalaki ko na ang bayan ko ay ang 1San Mateo. Konti man ang aking naipahayag tungkol sa aking bayan di ako nahhihiya sapagkat naipahayag ko na ang mga magagandang bagay tungkol sa aking bayan. Mahal na mahal ko ang aking bayan saan mang sulok nito.

 Image result for san mateo kakanin festival
     
   

     

   

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento